yong sabi mong move on na,..
pero mahal mo pa talaga siya,..
shetness lang,..
Tagged:
thoughts,
Nanadya ka na ata talaga eh hahaha,..
Nung nakita ko yung kanina, hahaha, ewan ko, para kong namatay,..
Parang merong sumaksak sa may bandang puso ko,.. Tangina lang eh,..
Pero yeah, wag ka magalala,..
Kelangan ko na masanay di ba,.? ^^
Yeah, kaya ko to,.!
Pero wag muna ngayon, pag nakita ko siya na palapit sayo, iiwas muna ko,..
Di ko kaya eh, hehehe,..
Di ko lang lubos maisip n mga isang linggo na lang tapos sasaktan mo pa ko, lol,…
Oh baka naman talagang nakalimutan mo na mga pinagsasabi ko sayo,.?
Siguro wala na nga talaga,.. Hahaha,
Siguro naisip mo na siguro wala na lang sakin yun di ba,.?
Sabagay, kasama rin naman yun sa mga sinasabi ko lagi,..
Na ok lang ako,..
Kakayanin ko,..
Hahaha, oo kakayanin ko,..
Pero yeah, di ko muna kayang makita yung mga ganong eksena,..
Di ko lubos maisip na pag-alis ko tapos ilang beses kayong ganon,..
Naiingget ako^^
Pero yeah,..
The way I look at it now…
I’m thinking that I was lucky,..
Nakasama na kita,..
Naging sweet tayo for a while,…
Nag-away,..
Nag-bati,..
Nagpalitan ng regalo,..
Kasamang nagtagumpay sa larangan ng sining,..
Tapos siguro ngayon, iniisip ko, natapos na yung swerte ko,..
Na kahit na pagkatapos ng lahat lahat ng sinabi ko sayo,
Ginawa ko para sayo,
Sinakripisyo ko sayo,
Wala talaga ko sayo^^
Pero ang ibig sabihin lang nun eh
Natapos na yung swerte ko sayo^^
Tapos ngayon, sa twing makikita ko yung lalaking yun?
Iniisip ko, siguro panahon na para sa swerte niya^^
Ang swerte niya, kasi public hahaha,
Sa’kin palihim pero ok lang,
At least na-experience ko pa rin di ba,.?
Swerte pa rin ako,..
Mas swerte lang siya ng konti, hahaha
Haix, so yeah,..
Salamat talaga,..
Yun na lang kaya ko sabihin ngayon,..
Salamatsa lahat,..
Naging masaya ko tsaka super inspired talaga ko nung mga panahong yun na magkasama pa tayo,..
Na “mutual” pa talaga,..
Yung punong punong puno pa ko ng pag-asa,..
Yung pakiramdam ko ako na pinakamaswerteng lalake sa mundo,..
Hahaha, salamat dun,..
Salamat,..
Sana sa pag-alis ko,
Maging mabuti pa rin tayong magkaibigan^^
Di naman talaga ko aalis eh,
Bagong school lang pero hanggang dun lang yun,..
Wala naman na kong ibang pupuntahan eh,..
Haha, pero maging masaya ka lang,
At magiging masaya ko sayo^^
Di ko kailan man makakalimutanna minsan naging akin ka, at ako’y naging sayo^^
Tagged:
Thoughts,
to her,